top of page

Making an Impact

Public·1 member

Mga Risks na Nagpapataas ng Shingles

Akala mo ba ay tapos ka na sa Chickenpox (Bulutong) noong bata ka pa? Mag-ingat dahil ang virus na ito ay nananatili sa katawan at maaring magising muli bilang Shingles. Ngunit hindi lahat ay tinatamaan nito dahil may mga natatanging factors na nagpapataas ng iyong panganib.


  1. Edad (Age): Ito ang pinakamalaking factor. Habang tumatanda, humihina ang natural na depensa ng katawan laban sa virus. Mas mataas ang panganib kapag lampas 50 taong gulang, ngunit maari pa rin itong mangyari sa mas bata.

  2. Nagkaroon na ng Chickenpox (Bulutong): Ang shingles ay galing sa kaparehong virus ng Chickenpox (Varicella-Zoster). Kapag gumaling ka sa Chickenpox, natutulog lamang ang virus sa mga nerves at maaring magising ulit bilang shingles kapag humina ang resistensya ng iyong katawan.

  3. Mahinang Immune System: Mas madaling tamaan ang mga taong may kondisyon na nagpapahina ng resistensya, tulad ng HIV/AIDS, cancer, o diabetes.

  4. Paggamit ng Ilang Gamot: Kasama dito ang steroids (tulad ng prednisone) kung matagalang ginagamit, chemotherapy, o mga gamot na iniinom ng mga sumailalim sa organ transplant. Ang mga gamot na ito ay pumipigil sa normal na immune response ng katawan, kaya mas madaling magreactivate ang varicella-zoster virus.

  5. Matinding Stress o Pagod: Ang sobrang physical o emotional stress ay pwedeng magpahina ng immune system, na nagiging dahilan upang "magising” ang virus.


Huwag hayaang magising ang virus na ito nang hindi ka handa. Ang Shingles ay hindi lamang simpleng pantal; maaari itong magdulot ng matinding sakit at komplikasyon kagaya ng Postherpetic Neuralgia na tumatagal ng ilang buwan o taon. Kung ikaw ay kabilang sa mga nabanggit na may risk factors, lalo na kung ikaw ay lampas 50 na, mas mabuting kumonsulta agad sa doktor para sa bakuna at tamang impormasyon tungkol sa pag-iwas. Tandaan, ang malakas na resistensya at sapat na kaalaman ang inyong pinakamabisang sandata laban sa shingles.

 


Retrieved from:

American Academy of Dermatology Association. (n.d.). Shingles: Who gets and causes. Retrieved from: https://www.aad.org/public/diseases/a-z/shingles-causes

 

Mayo Clinic. (2022). Shingles. Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/shingles/symptoms-causes/syc-20353054#risk-factors

World Health Organization. (2025). Shingles (herpes zoster). Retrieved from: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/shingles-(herpes-zoster)



5 Views
bottom of page